Alam niyo, hindi naman ako tipo ng taong makata o mahilig sa rhymes eh. Pero sinisigurado ko na ang bawat letrang bibitawan ko ay may bigat at may katuturan. Mahilig akong makiusosyo sa mga ganapin dito sa Pilipinas, pero huwag muna tayo diyan. Gusto ko munang ibahagi sa inyo ang nararamdaman ko ngayon.
Isa lang din akong taong katulad niyo, may puso.
At dahil may puso ako, marunong akong umibig.
Nasaktan na din ako, tulad mo.
Naranasan ko na rin ang rejections at pang-iisnab.
Masakit kaya 'yon; ang hindi pansinin ng taong mahal mo.
'Yung taong nagbigay ng dahilan sa'yo para sumaya ka pa.
'Yung nilalang na dinagdagan pa ang kulay sa mundo mong akala mo, wala nang igaganda pa.
Pero sabi nga nila, lahat may katapusan.
Ang kasiyahang nadarama mo ay pansamantala lamang.
May kirot din sa bawat ngiting binibitaw mo.
Mayroon ding hinagpis sa tuwing ikaw ay tatawa.
Medyo corny pero totoo lahat 'to. Kapag umiibig ka, minsan nga hindi mo na alam ang ginagawa mo eh.
Diba, diba?
Minsan na din akong nagmahal at nasaktan.
Nung naramdaman ko ang pag-ibig, para akong batang unang binilhan ng paborito kong laruan.
Syempre masaya, sobrang saya!
Dito ko naramdaman 'yung unang kilig. 'Yung "butterflies" na sinasabi nila, naramdaman ko 'yon eh.
'Yung holding hands while walking. Shemay, sobrang nakakahigh.
Tapos 'yung text text sa umaga, magdamagan at walang sawa.
Chat sa FB at wall-to-wall. Masaya 'yon. Masaya.
'Yung mga gala sa mall? Nako.
Pero dumarating ang unos.
Kesyo nariyan ang kerida, tukso, at pagsasawa.
Ayon na nga ang nangyari, nagsawa kami.
Para kaming kumain ng hopia ng tatlong oras at naumay na.
Pinilit kong maibalik 'yung dati pero mahirap na.
Pers love ko eh, syempre mahirap makalimutan 'yon. Nung naghiwalay kami, nakatulala lang ako. Ayaw kong kumain, walang gana sa lahat ng bagay.
Pero huwag niyo akong tularan. Pers love lang 'yon, natural eh.
Nagets kong may pamilya pa ako. Marami akong kaibigang nagbibigay ng payo sa tuwing nadarapa ako.
Mga taong nariyan palagi para subaybayan ako.
May Diyos.
At dahil naniwala ako sa kakayahan kong kalimutan siya, heto ako ngayon.
Masaya ulit. Kaibigan ko ang first love ko.
Walang hard feelings, hindi bitter.
Nagmove-on ako kasi gusto ko.
At ngayon, masayang maging single.
-hillary
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento