Huwebes, Mayo 9, 2013

#5- BOTO MO NA PO


"ELEKSYON"

Ikaw, kababayan. Alam mo na ba kung sinong iboboto mo?
Sigurado ka na ba sa mga platapormang inihain niya?
Panalo ka ba talaga sa botong gagawin mo?

Kung hindi pa, tingnan mong maigi ang mga larawan na ito.
Pagmasadan mo ang bawat detalye.
Ano ang napapansin mo?

 (photo source: Hillary Narvaez)
(photo source: Hillary Narvaez)


Mga taong nakatira sa tabi ng riles ng tren?
Mga bahay na nakatirik sa mabakong lupaing hindi naman kanila?
Mga pamilyang umaasa sa pagbabago ng Pilipinas?

Matanong ko nga kayo.

May ginagawa nga ba tayo?

Bakit patuloy nating sinisisi ang pamahalaan hinggil dito?

Bakit hindi tayo nagkukusa?

Ngayon, sino ang totoong may kasalanan?

Tayong mga taong umaasa sa pagbabago pero walang ginagawa?
O ang mga opisyales na nakaupo at laging nangangako pero wala rin namang ginagawa?

Parehas lang, diba?

Labing-anim na taong gulang palang ako pero marami na akong napupuna ukol sa mga nangyayari sa pulitika.

Lalo na't paparating na ang halalan.

Nariyan nanaman ang mga kandidatong handang magpabilad sa sikat ng araw para lang mangampanya...

Pero kapag nahalal na sa puwesto, ni ayaw nang tumayo sa kinauupuan.

Maraming matatamaan dito. Kasi totoo.

May kasalanan din ang mga tao dito.
Alam niyo kung bakit?

KASI SILA ANG BUMOTO.

Sila ang nagshade sa bilog na hugis itlog.

Sila ang naglagay ng balota sa mamahaling PCOS machines.

Sila ang nagpauto sa mga pangako ng mga pekeng kandidato.

Kaya mga parekoy, sa darating na eleksyon...

Tandaan niyo na boses niyo ang boto ninyo.
Kayo ang nagdesisyon para sa kinabukasan ninyo.
Huwag tayong maging inutil.

Sa isang bansa, dapat nagtutulungan ang parehong kampo;
Ang panig ng mamamayang Pilipino at ang panig ng mga mabubuting lider.

"MAGING BOTANTE. HUWAG BOBOtante."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento