Sabado, Mayo 11, 2013

#6- PARA KAY NANAY


"Anak, maghugas ka ng mga pinggan."
"Anak, ang dumi ng kuwarto mo, parang dinaanan ng bagyo."
"Anak, papunta ka palang, pabalik na ako."

Nakarelate ka ba?
Malamang, kaunti lang 'yan sa mga paboritong linya ng mga nanay natin eh.

Mother's day na!
Anong balak mong gawin?

Magdota?
Magtext?
Magfacebook?

Ipagpaliban muna natin 'yan!
Kahit isang araw lang.

Bigyan natin ng karangalan ang mga nanay natin.
Ipakita natin na mayroon silang anak na proud na proud sa kanila.
Ipadama natin na may kaagapay sila kahit gaano pa kahirap ang buhay.

Masuwerte pa ang karamihan sa'tin dahil may mga nanay pa tayo.
'Yung iba, nangungulila na.

Kaya huwag na huwag niyo sasayangin ang pagkakataon habang nabubuhay pa sila.

Alam nating darating din ang dapit-hapon nila.

Kaya habang naririto pa sila, subukan natin maging mabait na anak.
Huwag naman sana natin sila bigyan ng sakit ng ulo.

Magpasalamat tayo kasi may nanay tayong all-in-one

May nurse tayo nag-aalaga sa'tin kahit gaano pa kalala ang sakit natin.
May soundtrip tayong sermon tuwing umaga.
May lawyer tayong nagtatanggol laban sa mga umaaway sa'tin.
May nanay tayong daig pa ang chef dahil sa sobrang sarap magluto.

At higit sa lahat...

May bestfriend tayo sa lahat ng oras.

Ang mga nanay, kahit kailan hindi tayo iiwan niyan.
Kahit gaano tayo kagago at sobrang pasaway.

Siya 'yung taong nagiging super number 1 fan mo kapag may achievement ka.
Siya 'yung supporter mo kapag may gusto kang gawin.

Ni minsan hindi 'yan mawawalan ng tiwala sa'yo.

"Anak, kaya mo 'yan."

Hinding-hindi sila mawawala sa inyo.

Alam mo kung bakit?

Kasi mahal na mahal ka niya higit pa anomang bagay sa mundo.

Mas mahal ka pa niya kesa sa tatay mo.

Sa totoo lang, kulang ang habang buhay para pasalamatan sila.

Sa lahat ng kabayanihang ginawa nila.

Kaya tayo, mga pare. Huwag nating hayaang mawala ang pagkakataon.

Ako, mahal na mahal ko ang nanay ko.






Kahit ganito ako kabarumbado.



HAPPY MOTHER'S DAY!

1 komento:

  1. Kahit kailan di pa ako sinuportahan ng nanay ko pero binigyan nya ako ng pera pang-aral. Siguro nga may mga nanay talagang ganyan.Sinusoportahan ka, inaalagaan at nag-aalala para sayo. Depende talaga sa bata kung paano lumaki at pinalaki. Kung ikukumpara ko ang nanay ko sa iba, maswerte ako dahil napakabait napakasimple at walang-arte. Iba lang talaga pakikitungo ko sa kanya at ganuon rin sya. Di ko alam kung may favoritism na nagaganap sa bahay. Dahil ako nga lang ba ang lalaki sa bahay at wala ang aking kakamping tatay. Aminin ko di ako nainspire dito pero sa mga nanay nyo dyan, mahalin nyo at intindihin dahil sa bandang huli magsisisi rin kayo tulad ko. :/

    TumugonBurahin